Saturday, January 9, 2010

Sharing my Experience ni BALIK KATOLIKO.

Ako poy dating katoliko na naanib sa samahan na Iglesia ng Dios or sikat sa pangalang Ang Dating Daan ni Ginoong Eliseo “Bro. Eli” Soriano. Naanib ako sa grupong ito, ito lang first part ng year 2009. Ngunit sa kulang kulang anim na buwang membership ko ay nag desisyon na akong “tumiwalag” sa grupong ito sa kadahilanang hindi ko na kayang sikmurain ang napakaraming abuluyan at tulungan (daw) ng grupong ito. Ito ang listahan at gusto kong e share sa inyong mga hindi kaanib ng Iglesiang ito at doon sa mga nagpapadoktrina at nakikinig palang sa ADD.

1. Abuluyan sa Regular Pagsamba
2. Tulungan sa Regular Prayer Meeting
3. Abuluyan sa Regular na Pasalamat
4. Kapag magpapasalamat ang isang indibidwal, may tinatawag na gugol
5. Kapag magpapasalamat ang isang indibidwal, may tinatawag na hain
5. Hain sa Pasalamat ng kapatiran (PBK)
6. Gugol sa Pasalamat ng kapatiran (PBK)
7. Hain sa Pasalamat ng kapatiran, midyear (PBK)
8. Gugol sa Pasalamat ng kapatiran, midear (PBK)
9. Local Fund (Expenses ng Locale)
10. Ambagan para sa bayad sa koryente sa local (Kasama sa LF)
11. Ambagan para sa bayad sa tubig sa local (Kasama sa LF)
12. Ambagan para sa bayad sa telepono / internet sa local (Kasama sa LF)
13. Ambagan para sa Bible Exposition
14. Ambagan sa Indoctrination
15. Global Evangelization (GE) – Para daw sa Gawain ni Mr. Soriano sa kanyang location sa Brazil at south amerika.
16. Hain sa Pasalamat ng lokal
17. Gugol sa Pasalamat ng lokal
18. Hain sa Pasalamat ng Debisyon
19. Gugol sa Pasalamat ng Debisyon
20. Kapag nagme-meeting ang mga Officer, meron silang tinatawag na "Biglaan" or “Emergency”, yun bang kahit magkano lang anya, tulong daw sa Gawain ni Mr. Soriano.
22. Pag Birthday ni Mr. Soriano merong ambagan para pang regalo sa kanya.
23. Ambagan para sa pagpapakain sa mga dino-doctrinahan at sa mga nag-aattend ng Bible Exposition.
24. Pledges. May mga miembro na malalaki ang sweldo na kinakausap ng mga worker para magbigay ng abuloy or Gugol na malaki sa Pasalamat (Regular or yung sa PBK).
25. Pag dumalaw yung MIC sa locale asahan mong mayroong siyang tinatawag na “lambing” sa mga miembro at syempre ano pa e di pera din ang hinihingi nya. It’s either in fixed amount or kung ano lang kaya mong ibigay.
26. May tinatawag na “tulungan” daw sa project. Depende kung anong project yun. Halimbawa doon sa nakaraang movie showing ni Mr. Razon (Kuya). Nagbibigay ang worker ng “target collection” sa per group at ang group servant ang nagkokolekta ng pera sa mga miembro. Minsan kukunin nila ang mga pledges (kung ano lang kaya) per member, pero hindi rin nasusunod yun dahil yung ibibigay na ticket ng group servant sa iyo e di hamak na mas mataas ang halaga kaysa doon sa pinangako mo sa kanya. Sasabihin nalang nya sa iyo e pasensya dahil malawak daw kasi ang Gawain ni Mr. Soriano at Mr. Razon.
27. Ambagan para sa Maintenance ng Locale.
28. Ambagan sa pagpapakain ng mga kapatid tuwing pasalamat sa Dios, dito kasi sa locale namin may isang group ang naka toka sa pagluluto at pagpapakain every week at syempre ang mga miembro ng grupo ay may ambagan na kulang kulang 400 pesos for each member.
29. Dito sa locale namin mayroong Van na ginagamit sa pagsusundo ng mga kapatid tuwing may pagtitipon. Pag nasira yung Van syempre ano pa e di may ambagan para sa pagbili ng nga kailangang spare part or piyesa ng sasakyan. He he minsan pa nga kung nagkamali sa nabiling piyesa (dahil hindi pala yun ang talagang kailangang piyesa) syempre ano pa e di ambagan ulit.
30. Ambagan sa pag renta ng sasakyan or coaster kung pupunta sa kabilang ibayo para dumalo. Kung may schedule na pagtitipon sa kabilang city or province at kailangan mag renta ng sasakyan para sa pag transport ng mga kapatid.
31. Ambagan sa pagbayad ng renta sa Straha. Pag may mararaming kapatid na magpapasalamat at may mga miembro na mangagaling sa ibang probinsiya or city e nagrerenta ng straha ang worker / DS para maisama sila sa pagtitipon dahil siguradong masikip sa rentang locale.



Ang dami po di ba? Crying or Very Sad Mad dito lang po yan sa location ko at hindi ko alam ang nangyayari sa isang locale sa pilipinas or maging sa ibang lugar sa mundo. Mayroon pang iba pero nakalimutan ko na. Isang dahilan palang po yan kaya ako umalis sa ADD. Eto pa Mananawagan pa nga yung worker na magbigay ka ng mas malaki kaysa sa perang ibibigay or ipapadala mo sa family mo dahil sa marami daw ang Gawain at dito naman daw ito mapupunta daw. Ang isang nakakainis sa daming abuluyan at so called tulungan e wala naman silang pinapakitang mga report sa mga kapatid sa tuwing may pagtitipon. Ano yung mga report na yun??

Magkano ang nakokolekta per group para sa Gawain
Magkano ang nakokolekta per group para sa expenses ng locale.
Magkano ang total nakokolekta para sa Gawain
Magkano ang total nakokolekta para sa expenses ng locale.
Magkano ang na remit kay Mr. Soriano at Mr. Razon.
Magkano ang nakokolekta per group para sa so called project
Magkano ang total nakokolekta para sa so called project

It can be monthly, quarterly or even yearly.

PERO wala silang pinapakitang data na ganito kaya walang kasiguraduhan na ang collection ay malinis at walang napupunta sa ibang bulsa since maraming kamay ang humahawak nito. At isa pa minsan magpaparinig pa yung group servant mo na ang group mo daw ang pinaka kolelat sa collection ng pera at minsan yung worker naman sasabihin na kolelat ang locale in terms of amount ng koleksyon.

Tsk! Tsk! Matindi po di ba?? kaya po sa mga recently lang naanib sa ADD e mag-isip isip po tayo mga kapatid at maging doon sa mga nakikinig palang at nagpapadoktrina. Kaya nyo po ba ang ganitong klasing abuluyan and so called tulungan?? Doon po sa nagpapadoktrina or dumadalo ng exposition or bible study palang maaring maganda ang treatment o pakikisama nila sa inyo ngayon, pero lahat yan ay magbabago once na umanib na kayo sa kanila. Siguradong LIMAS ang laman ng wallet mo at savings mo.

Siguradong aakusahan nila ako na miembro na ako ng INC well. Sorry pero nagkakamali kayong mga loyalist ni Mr. Soriano. Hindi ako umanib sa INC dahil madami ding abuluyan doon. Sa ngayon "freelance" na ako at nagsisikap sa hanap buhay.

2 comments:

  1. Maraming salamat kapatid sa iyong ipinakita na katapangan..I think sa saudi ka diba? Base kasi dun sa nabasa ko na COASTER AT STRAHA hehehe..Pero tama ka na freelance ka muna, habang naghahanap ka ng mas magandang relihiyon, i'll pray for you bro na makita mo ang tamang landas..SALAM

    ReplyDelete
  2. Bro, member din kami ng Dating Daan for 4 years na at although merong truth sa mga nabanggit mong abuluyan, hindi naman yun sapilitan. Ang lahat ay nasa pagkukusa mo dahil ang pagtulong
    ay hindi pinipilit. Kahit saang religion ka umanib, kailangan talagang tumuwang ang members sa gawain. Ang kaibahan ng Dating Daan, very tangible ang nakikita mong mga pagtulong sa kapuwa. Umpisahan mo sa medical na kahit hindi mga kapatid ay natutulungan; free transit na malaking tulong sa poor commuters; free schooling; free transient homes; pag alalay sa mga matatandang bao, mga kapatid na nagkakasakit o namamatayan atbp.

    Iho, kung wala ka naman atang naiaambag dahil wala kang pagmamahal sa kapwa mo, huwag ka na lang manira dahil siguro alam mo ang aral na kapag gumagawa ka ng mabuti at umiiral ang awa sa puso mo para sa mga dahop sa buhay, ang Ama sa Langit ay natutuwa at ang kasunod noon ay ang kanyang pagpapala sa iyo at pag iingat sa buhay mo at ng iyong mga mahal sa buhay. Sana meron ka pang pamilya na pwede mong pag alayan ng mga mabubuting gawa.

    Alam mo ba na noon ay ganyan din ang naging way of thinking ko, na bakit ang dami namang abuluyan. Pero napuna ko naman lalo na sa aming locale na hindi naman kami pinipilit; kung sino lang ang may nais makatuwang sa gawain. Later naisip ko din na gustong gusto ko na makatulong sa kapwa pero wala naman akong way na gawin yun. Saka ko lang na realize na marahil itong mga gawain sa locale ang ibinibigay na pagkakataon ng Dios para makatulong ako sa abot ng makakaya ko. Hindi man natin nakikita ang listahan or transparency ng kanilang mga abuluyan, pero bukas naman ang ating mga isip at mata dahil kitang kita natin ang mga gawain ng pagtulong sa
    kapwa. In fact ginagaya na nga ito ng ibang tv stations. Bakit listahan ng mga abuloy ang hinahanap mo, bakit hindi ka na lang tumingin sa paligid mo at maging masaya ka na marami pa ring tao na may pagmamahal sa kapwa at gustong gustong makatulong. Bro, open your eyes to the needs of your fellowmen, esp the very less fortunate in life.

    I hope, someday when you are alone in your room, you could meditate and rethink. We have all the opportunities in life to help and this is the way that God is showing us. I myself don't have riches in life, but whenever I am able to give even a little of something, I feel so rich in spirit because I am so sure that it is the people (poor people)whom God loves so much that I am trying to help. Let us examine our conscience. Are we not so lucky that we are the ones giving and not us being given the help?

    Please remember iho, God is looking on us, and He examines our conscience. How I wish it is not too late for you to be enlightened. God bless you iho.



    Huwag mo sanang pag isipan ng masama ang hinihinging abuluyan sa mga kapatid sapagkat ito naman ay hindi ipinipilit di tulad ng sa ibang iglesia na naka post pa sa bulletin at pataasan ng donation.

    ReplyDelete