May panahon ba na wala ang Diyos Anak? (3)
MAY NAKAKAUSAP pong miyembro ng ANG DATING DAAN o ADD ang reader nating si Ozner at sinasabi raw nung kausap niya na "LITERAL na IPINANGANAK" ng DIYOS AMA ang ANAK Niyang si HESU KRISTO.
ANO po ba ang KAHULUGAN ng "LITERAL na IPINANGANAK"?
Sa ISIP NATIN, ang LARAWAN po ng NANGANGANAK ay yung BABAE na UMIIRI at NAGHIHIRAP para ISILANG ang isang BATA. Hindi po ba?
GANOON po ba ang ibig sabihin ng "LITERAL na NANGANAK?"
Kung ganyan po ang nasa isip nung ADD na kausap ni Ozner ay MALI PO ang PANINIWALA NIYA.
NAGBABATAY po kasi sila sa MALI NILANG PAGKAUNAWA sa pagiging ANAK ng DIYOS ng PANGINOONG HESUS.
At isa iyan ang ginagamit nila para sabihin na "HINDI PANTAY" ang AMA at ANAK.
TAMA po na si HESUS ay ANAK ng DIYOS. TAMA na si KRISTO ay LUMABAS MULA sa AMA.
,
Pero MALI po yung KONSEPTO na IPINANGANAK SIYA na TULAD ng sa TAO.
Sa sinasabi nung ADD na "IPINANGANAK ng AMA ang ANAK" ay tila PINALALABAS NILA na NUNG HINDI PA IPINANGANGANAK si HESUS ay "WALA PA ang ANAK."
Hindi po ba ganyan ang sa tao? May panahon na WALA PA ang ANAK at NAGKAKAROON LANG ng ANAK kapag NAKAPANGANAK NA ANG BABAE.
So, kung ilalapat iyan sa DIYOS ay pinalalabas nga ng IBA na NUNG HINDI PA IPINAPANGANAK ng AMA ang ANAK ay WALA PA ANG ANAK.
Sa nauna po nating artikulo ay tinalakay na natin ang MALING PANINIWALA na "MAY PANAHON NA WALA PA ANG ANAK."
Ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO (o ang TATLONG PERSONA ng IISANG DIYOS) ay SABAY-SABAY NA UMIIRAL: WALANG NAUNA at WALANG NAHULI. Ang BAWAT ISA ay WALANG SIMULA at WALANG KATAPUSAN.
May mga tao po kasi na NALILITO sa sinabi ng Proverbs 8:22-25.
Diyan ay nagsasalita ang KARUNUNGAN ng DIYOS.
Sabi po sa 1 Corinthians 1:24, ang KARUNUNGAN ng DIYOS ay si KRISTO.
Sa Prov 8:24 ay sinasabi ng KARUNUNGAN na "Noong wala pang malalalim na dagat AKO AY INILUWAL (o IPINANGANAK) ..."
Ang SALITANG HEBREO po kasing ginamit riyan ay "KHOLALTI" (bigkas ay "CHUWL") na ang kahulugan ay IPINANGANAK.
Diyan marahil kinuha ng iba ang paniniwala nilang "LITERAL na IPINANGANAK" ng DIYOS AMA ang KANYANG ANAK.
Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, Number 02342, ang KAHULUGAN ng KHOLALTI (CHUWL) ay ang sumusunod:
1. to twist, whirl, dance, writhe, fear, tremble, travail, be in anguish, be pained
A. (Qal)
a. to dance
b. to twist, writhe
c. to whirl, whirl about
B. (Polel)
a. to dance
b. to writhe (in travail with), bear, bring forth
c. to wait anxiously
C. (Pulal)
a. to be made to writhe, be made to bear
b. to be brought forth
D. (Hophal) to be born
E. (Hithpolel)
a. whirling (participle)
b. writhing, suffering torture (participle)
c. to wait longingly
F. (Hithpalpel) to be distressed
Paki pansin po ang kahulugan sa Letrang D na "to be born."
Baka po nabasa ng taga-ADD ang kahulugan ng KHOLALTI at NAISIP NILA na "ABA! OO NGA! LITERAL na IPINANGANAK ang ANAK!"
Pero LITERAL nga po ba porke ginamit ang salitang KHOLALTI (CHUWL) para sa "IPINANGANAK."
HINDI po.
Paki puna po ninyo na ang LITERAL na KAHULUGAN ng KHOLALTI ay MAY KASAMANG "PAMIMILIPIT" (WRITHE = A, b; B, b; C, a; E, b).
Ang DIYOS po ba ay MAMIMILIPIT para "IPANGANAK" ang KARUNUGAN?
Ayon pa nga po sa DEFINITION E, letrang b, ay "writhing, suffering TORTURE."
Ganoon? MAMIMILIPIT po ba sa SAKIT ang DIYOS para IPANGANAK ang KARUNUNGAN?
HINDI po!
Ang PAMIMILIPIT po sa SAKIT habang NANGANGANAK ay DOON IBINIGAY ng DIYOS sa BABAE (EBA) matapos na SIYA ay MAGKASALA.
Sabi po ng DIYOS sa Genesis 3:16, "PATITINDIHIN KO ang PAGHIHIRAP ng IYONG PAGDADALANTAO at MASAKIT MONG ILULUWAL ang IYONG mga ANAK."
Sa madaling salita po ang MASAKIT na PANGANGANAK ay BUNGA ng KASALANAN.
Kung sasabihin nino man na LITERAL na IPINANGANAK ng AMA ang ANAK ay sinasabi nila na NAMILIPIT DIN sa SAKIT ang AMA nung INILUWAL NIYA ang ANAK.
Palalabasin nila na APEKTADO rin ng BUNGA na KASALANAN ang AMA.
TAMA PO BANG PANIWALAAN ang GANOON?
MALI po. Ang DIYOS ay SAKDAL LINIS at BUSILAK kaya HINDI SIYA MAMIMILIPIT sa SAKIT sa PAGSILANG sa KANYANG ANAK.
Pero kung ganoon po ay BAKIT GINAMIT ang KHOLALTI (CHUWL) para ILARAWAN ang PANGANGANAK ng DIYOS sa KANYANG ANAK?
Ginamit po iyan para MALINAW na ILARAWAN na ang ANAK o KARUNUNGAN ay NAGMULA MISMO sa AMA: DIYOS MULA SA DIYOS, IISA ang SANGKAP ng PAGKA-DIYOS at IISA ang PAGIGING DIYOS.
Ang PUNTO ay yung KATIYAKAN sa PINAGMULAN ng ANAK (DIYOS na NAGMULA sa DIYOS) at HINDI YUNG PROSESO (PAMIMILIPIT sa SAKIT).
MULI, HINDI iyan NANGANGAHULUGAN na "MAY PANAHON na WALA ang ANAK" at "UMIRAL LANG SIYA NUNG IPANGANAK ng AMA."
Ang DIYOS ANAK bilang KARUNUNGAN at KAPANGYARIHAN ng AMA (1 Cor 1:24) ay KASAMA NA ng AMA sa PASIMULA (Jn 1:1) at BAGO PA ang PASIMULA (Jn 17:5).
Ang AMA at ANAK kasi ay IISA. (Jn 10:30)
Ganoon po iyon.
GALING PO ITO KAY
CONVOY